nagising ako knina dahil sa isang pangit na panaginip. hanggang ngayon, pag naiisip ko parang ayoko na munang matulog bka kasi mapanaginipan ko pa ulit. mahirap magising sa katotohanan pero mas masaklap ang mamuhay sa kasinungalingan. bakit ko nasabi? wala lng. gusto ko lang. totoo naman talaga ang bagay na ito.
naisip kong magbsa ng mga blog knina. karamihan sa sa mga tao, naghahanap ng kani-kanilang kaligayahan. isama mo na ako sa listahan. anu-ano nga ba ang mga bagay na tunay na nakapagpapaligaya sa atin? pera ba? dahil sa maaari mong bilhin lahat ng gusto mo kapag marami kang kwarta..? maraming taong gustong maging mayaman dahil sa gusto nila ng maraming pera. dahil halos lahat nlng yata ng bagay sa mundo ay kayang bayaran ng pera. bahay.sapatos.bags.gadgets.magarang kotse.condo.mansion.resort.eroplano.helikopter.laruan.isla.at kahit siguro isang buong bansa kaya mong bilhin kung marami kang pera. hindi na ako maghuhugas kamay. isa ako sa mga taong gustong maging mayaman.gustong kumita ng malaki para matustusan ang mga luho sa buhay na gusto kong makuha. naalala ko nung unang beses akong sumweldo. hndi nman yun kalakihan. mabilis dn naubos. nabigyan ko cla mama, si tita, yung iba kong kapatid. nkapagbayad ako ng utang. at nakabili ako ng isang damit. tapos nun, nakita ko nlang bgla ang sarili ko na naghahangad ng mas higit pa. nakakatawang isipin pero gumawa ako ng christmas wishlist na halos ngkakahalaga ng 16K. ahahahaha...
hanggang sa dumating yung araw na naisip ko kung talaga nga bang mapapasaya ako ng mga bagay na nabibili ko gmit ang pera. nagnilay ako ng maigi. maraming bagay ang nakapagbukas ng aking isipan. ang mga bagay na to ay madaling nawawala. nasisira. lumilipas. nakaramdam ako ng kalungkutan. hindi pala yon ang magbibigay sa atin ng kaligayan. maaring oo, pero panandalian lamang.
naisip ko ang aking pamilya. kaibigan at iba pang mga mahal sa buhay. ang mga taong palging maging malungkot man ako o masaya. kung sumupungin man ako ng aking pagkatopakin at kung lumuwag man ang isa sa mga turnilyo sa aking utak ay nandyan parin cla para ako'y samahan, pakinggan,at batukan. sa mga panahong walang-wala ako ang mga taong ita ang maipagmamalaki kong meron ako sa aking buhay. madalas man na ako ang humihiwalay sa kanila dhil mas pinapahalagahan ko ang mga bagay/ taong madaling nawawala at umaalis sa aking buhay, alam kong palagi clang andyan. alam kong cla lang yung dadamay sken. cla lang yung makikinig sa mga kwento kong kahit paulit-ulit na at masakit na sa tenga. cla yung mga taong kahit ilang beses akong nakagawa ng katangahan sa buhay ay hnding-hndi ako huhusgahan. ang mga taong tanggap kung cno at kung ano ako. ako ay isang baliw. alam nila yan. iyakin ako at mahina. sila ang mga taong walang sawang nagpapaalala sa akin na andyan palagi si God. reading-ready para ako'y paluin at patahanin.
namimiss ko na ang mga taong ito. sa peysbuk ko nlng cla nakakausap. swerte ko nlng kpag nkikita ko cla. ngkakaroon ako ng pagkakataon para mayakap cla. pero gusto ko ulit silang makasama. makakwentuhan.
ito ang wish ko ngayong pasko. hndi sya mabibili ng pera. sna matanggap ko.
No comments:
Post a Comment