Thursday, September 23, 2010
TAWEEEEEELIS!
*suki! bili kna dito! sariwa mga isda ko ngayon... bagong huli yan...*
matao. maingay. maraming ilaw. malangaw ;). maputik. malansa ang amoy.
yan ang karaniwang eksenang makikita pagpasok mo sa palengke.
nung bata pa lang ako, madalas na 'kong sumama sa nanay ko at sa tiyahin kapag namamalengke. akong yung julalay nila. tagabitbit ng mga plastic na may lamang karne ng baboy, baka, isda, gulay at kung anu-ano pa. pag meron akong napagtripan at nagustuhan, nagpapabili ako kay mama. swerte kung ibili nia ako...kung hindi nman, ok lang.
kaninang umaga, pauwi na kame galing duty ng naisipan ni mama na dumaan sa palengke ng pasay. kahit na wala pa akong tulog, hindi nman ako maka-angal. :p
sabi ng nanay ko, maghintay na lang daw ako dun sa isang side, siya na lang daw yung papasok sa loob. hindi ako pumayag. mas gugustuhin ko pang mag-lakad sa loob ng maputika t maingay na apalengke, kesa mghintay at magmukmok sa isang sulok. boring yun. baka makatulog lang ako. :p
bibili siya ng mga pang-sahog sa ulam.una naming pinuntahan yung pwesto ng mga karne ng baboy at baka. mejo marunong naman akong tumingin ng sariwang karne kahit papaano :))
tinignan ko ng maigi kung panu hiniwa ni kuya-manong yung karne ng baboy. no sweat! parang natutulog lang. saktong sakto ang ang bawat bagsak ng kutsilyo dun sa karne. kahit nga hind nia tignan eh. hahaha... oo, namangha ako! ako kasi, super effort kapag nghihiwa. iba siguro talaga kapag palagi mo nang ginagawa. nagiging parte na ng sistema mo.
sumunod naman sa mga isda. kahit na matagal na akong sumama sa kanila sa pamamalengke, BOKYA pa din ako sa pagtingin kung sariwa pa ba yung isda o hindi na. minsan tsumatsamba, pero madalas ayokong sumugal kya hndi ako namimili ng isda. :p ma, turuan mo nga ako... :)
yung nanay ko knina, parang may hinhanap. hindi ko naman alam kung ano. hangang sa huminto siya sa isang tindahan ulit ng isda. "magkano sa tawilis?" tanong nia dun sa mama... "kwarenta kalahati.." ewan ko ba kung bakit nia pa tinanong eh, may kardbord na nga sa ibabaw ng tumpok ng mga tawilis. and nakasulat *P 40.00 1/2* hahahaha.... dedma rin naman si manong.. habang nakatayo pa lng kame ni mama, tinitignan na nung manong yung nakasulat sa yuniform namen... "taga pasay gen ba kayo?" tanong nia samen... "opo.." sagot ko naman... "yung manugang ko, dun din nagtatrabaho eh..dun sya sa dietary.." nung iaabot na ni mama yun bayad sbay sa pagabot ng mama sa plastic ng tawilis... "cge na, libre na yan..pabuenas.." etong nanay ko naman eh tlgang mapilit magbayad...kunyari pang ayaw ng libre.. *peace maaaaa! :)* hahahha... eh mapilit 'tong si manong.. "cge na, sa susunod na lang na balik nio...yun hindi na libre...i-kamusta nio nlng kme kay tess... " salamat po manong!!! hndi ko man lng natanong yung pangalan nio... :)
ahahahaha... ang galing galing!
"ate, sukli nio ho..."
matao. maingay. maraming ilaw. malangaw ;). maputik. malansa ang amoy.
yan ang karaniwang eksenang makikita pagpasok mo sa palengke.
pero sa pag-labas namin, marami akong natutunan. marami bagay na hindi nakikita, naamoy at nararamdaman sa loob ng palengke...
ang pagdadamayan, pakikisama, at pakikipag kapwa-tao...
Saturday, September 18, 2010
breathe in...breathe out
wen pipol get tired of wat dey'r doing, they are faced with these two options: 1.) to take a rest and then continue after regaining strength; 2.) to stop and let go of everything they've done without looking back...
_think_about_it!
_think_about_it!
Subscribe to:
Posts (Atom)